No Title

Hindi ko naman mapagtanto kung bakit ba talaga ganito ang puso. Minsan mo talaga madiktahan ng utak mo kahit yung mantra mo e “Mind over matter”. Nakakainis, nakakagalit, nakakabwisit na e.

Parang minsan, sinubukan na nating humiling sa Diyos na biyayaan sana tayo ng abilidad na baguhin ang isang bagay na hindi ba natin gusto. Yung tipo ba na sasabihin mo lang na, “Sana ako nalang yung kasama mo”, “Sana ako nalang yung nandyan sa tabi mo kesa sa ibang tao”.

Selos. Oo. Sinasabi nila, wala kang karapatan magselos. Pero wala naman tayong magagawa. Kahit i-mindset mo sa sarili mo na dapat hindi magselos, walang nangyayari.

Ingit. Nakakaingit na makita mo sila masaya, makita mo siya, isang stretch lang ng kamay, abot na nya. Eh ikaw ba? Tatlong byahe, tapos isang oras lang magsasama. Ay puny3t@.

Minsan ang sarap magkulong sa kwarto tapos sabihin sa sarili na Lord kunin mo na lahat please. Ayoko na Lord. Parang end of the world ang peg. Pero hindi b’at mas masaya kung mabubuhay ka ng may purpose dito sa lupa at hindi yung nage-emo ka dahil lang hindi mo sya makasama?

Ika nga ng ka-officemate ko “Hindi b’at masarap sa pakiramdam yung maranasan mo yung up and down ng buhay mo?”. Totoo nga naman. Masarap naman talaga mabuhay sa mundo ng nafufulfill mo yung mga pangarap mo. Hindi yung umiikot yung mundo mo dahil sa ibang tao. Minsan masarap yung ikaw yung may control sa buhay mo at hindi yung ibang tao.

Hindi natin pwede hilingin yung abilidad na baguhin yung bagay ayon sa kagustuhan natin dahil hindi sa atin umiikot ang mundo.


Yes I would love to! Hahahaha. 
Kelangan na daw i-scan si Denise.

Yes I would love to! Hahahaha. 

Kelangan na daw i-scan si Denise.





Di ko talaga maintindihan. Promise.

Labo e.


Nakakasawa nga naman.

Stalk nang stalk, mahal mo na pala.


Yea right. Umaasa ako.